Table Of ContentShe Who Stole Cupid's Arrow
by alyloony
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya
naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang
nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon
ang nanganganib na hindi na mahahanap ang kanilang one true love at
idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido dahil naudlot ang pagkikita nila
ng kanyang asawa na si Psyche.
=================
Prologue
Prologue
Alam ko ang ginawa mo, -sandal sa pader
“ ” sabi sa’kin nung lalaking naka
ng apartment ko. Naka-crossed arms siya habang naka-ngisi siya sa akin na
para bang nahuli niya akong gumagawa ng kasalanan.
S-
“ sino ka?! Magnanakaw ka ‘no! Wala kang makukuha sa
apartment ko! Magpapatawag ako ng s-security!
”
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya
sa’kin.
Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako
“
sa pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw.
”
Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin
sa’kin.
You broke into my lair and you stole my bow and arrow.
“ ”
Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya.
Nanlamig ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo
sa noo ko.
Napalunok ako bigla.
This isn’t happening. Nag hahallucinate lang siguro ako.
Hindi totoo ang mga nangyari kanina at nung mga nakaraang araw. Yung
magandang babaeng naka-belo, yung kumikinang na compass at love potion,
pati yung malaking bahay na pinuntahan ko at yung pana ni kupido...
hallucination lang lahat nang yun.
Epekto siguro ito nang pagbabasa ko ng maraming manuscript.
Bukas na bukas talaga mag re-resign na ako sa trabaho ko!
You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga
“
nangyayari sa’yo,” sabi sa’kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang
nasa isip ko.
Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke,
“
tama ba?
”
Napalunok ako bigla.
Totoo ang sinabi niya. Ninakaw ko ang pana niya at ibinuhos
ko doon ang love potion na ibinigay nung babaeng naka-itim na belo. Pero
nung papanain ko na si Luke, biglang dumating si West at siya ang
tinamaan ng pana.
Si West. Ang boss kong terror.
Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari.
Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko,
“
limang tao ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila,
at mauudlot na naman ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil
kailangan kong ayusin ang gulong ginawa mo.
”
He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong
braso. Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin
ako sa puso dahil sa sobrang kaba ko sa kanya.
At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka...
“ ”
***
This week ko rin po ippost ang first chapter nito. Pag napost ko na ang
Epilogue ng Angel in Disguise :D
Note: May ilang greek gods/godesses akong babanggitin sa story na 'to na
hindi po talaga nag-eexist sa Greek Mythology. :)
=================
Chapter 1
Chapter 1
Pumalpak ka na naman.
“ ”
Nakakunot ang noo ng editor-in-chief namin na si Sir West habang
nakatingin sa’kin. Sa table niya may nakalatag na tatlong libro Mga book
sample ng librong ire-release namin two weeks from now.
Ano po ba ang problema? tanong ko sa kanya while avoiding his gaze.
“ ”
Wala naman talagang nabubuhay na nilalang ang nakaka-tingin ng diretso sa
mata ni Sir West eh. Pakiramdam ko katapusan ko na pag inangat ko ang
tingin ko sa kanya.
Anong problema? Yung trabaho mo ang problema! May mga naka-lusot na
“
naman na typographical and grammatical errors! Ano ba Jillian, kailangan
mo na ba ng salamin ha?
”
S-sorry po. Aayusin ko na lang po.
“ ”
“Sige na! Kunin mo na ‘to at lumabas ka na sa opisina ko!”
Dali-dali kong kinuha yung mga book sample at naka-simangot akong bumalik
sa table ko.
Ang sungit-sungit talaga ng boss namin! Kung matandang binata siya
maiintindihan ko eh kaso hindi. Halos magka-edad lang kami pero yung
kasungitan niya dinaig pa ang babaeng nag me-menopause. Laging lukot ang
noo at salubong ang kilay.
Hindi kaya na-sobrahan siya sa kape?
Isa akong proofreader sa isang publishing house. Kung hindi nga lang
maganda ang pa-sweldo rito, matagal na akong nag quit dahil laging akong
pinag-iinitan ni Sir West. Feeling ko kada nakikita niya ang pagmumukha
ko eh bigla na lang nasisira ang araw niya.
Wag siyang mag-alala. The feeling is mutual. Sadyang malas lang ako dahil
mas mataas ang posisyon niya sa’kin.
Napa-buntong hininga na lang ako at binuklat yung book sample. Hinanap ko
yung mga ini-highlight ni Sir West na dapat kong ayusin.
Tatlo! Tatlo lang! Yung isa sumobra lang ng spacing. Tas kung pagalitan
niya ako eh akala mo pumatay ako ng tao!
Jillian, napag-initan ka na naman ba ni Sir West?
“ ”
Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita kong nakatayo doon ang
layout artist naming si Luke. Naka- -
ngiti siya sa’kin habang may hawak
hawak na mug.
Uminom ka muna ng kape para mawala ang init ng ulo mo, inilapag niya
“ ”
‘yung mug ng kape sa table ko.
T-thanks Luke!
“ ”
“Wag mo na pansinin ‘yun. Wala kasi siyang lovelife kaya siguro
masungit, pabulong at natatawa-
” tawa niyang sabi sa’kin bago siya bumalik
sa desk niya.
Ininom ko yung kapeng tinimpla ni Luke at parang biglang nawala ang init
ng ulo ko. Napalitan agad ‘to ng kilig at para na akong shunga na
nakangiti mag-isa sa tapat ng desktop ko. Jusko. Sa ginawa niyang ito,
hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi.
Si Luke ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapag-resign sa
publishing house na ‘to. At in the first place, siya rin ang dahilan kung
bakit dito ako nag apply ng trabaho.
First year college pa lang kasi, type ko na siya. Hanggang sa lumalim na
ng lumalim at siya na ang laman ng utak ko. Kahit anong gawin niya, kahit
saan siya magpunta, lagi akong nandoon. Sabi nung mga kabarkada ko, ang
creepy ko kasi mukha na akong stalker ni Luke. Pero dinedma ko lang sila.
Hindi kasi sila nila alam ang nararamdaman ko eh. Hindi sila ang na-
inlove at lalong hindi sila ang nabiktima ng pana ni kupido.
-hindi man lang
Pero lecheng kupido ‘yan, ako lang ang pinana. Ni
naisipang panain na rin si Luke para maging masaya na kami.
Limang taon na ang unrequited love na ito. Hanggang kelan pa kaya ako
mag-aantay?
Buong magdamag, si Luke ang laman ng isip ko. Hindi tuloy ako makapag-
concentrate sa pino-proofread kong manuscript. Kaya naman ng ipasa ko
ulit ito kay Sir West, nabulyawan na naman ako.
“Yung 'like' naging 'luke!' Ano ba naman ‘yan Jillian!”
Napayuko na lang ako at paulit-ulit nag sorry. Napilitan pa akong mag
overtime. At dahil doon, ginabi ako ng uwi. Pagdating ko sa may kanto ng
baranggay namin, wala ng pila ng tricycle kaya no choice ako kundi ang
maglakad. Hay buhay ‘to.
Ang dilim-dilim ng daanan. Wag sana akong maka-salubong ng mga lasenggo,
masasamang tao, engkanto o aso. Pag tumili ako, walang makakarinig
sa’kin. Hindi pa ako pwedeng mamaalam sa mundong ‘to. Hindi ko pa
nakukuha ang puso ni Luke. Kailangan pang maging kami, magpakasal, magka-
anak at tumanda ng magkasama bago ako mawala sa mundong ‘to.
-
Nasaan na ba si Cupid? Ba’t hindi na niya kasi panain si Luke para ma
inlove
na sa’kin. May kotse pa naman siya. Hindi na ko kinakailangan mag
commute pauwi pag naging kami.
Wag ka nang umasa. Hinding-
“ hindi ibibigay ni Cupid sa’yo ang lalaking
gusto mo.
”
Bigla akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang nag-salita sa likuran
ko.
Isang babae na halos ka-edaran ko ang naka- -suot siya
ngiti sa’kin. Naka
ng itim na mahabang bestida na longsleeves at may nakabalabal na belong
itim sa ulo niya.
ngkanto? Nandito
Napalunok ako bigla. Hindi kaya multo ang babaeng ‘to o e
pa naman kami ngayon sa tapat ng narra tree. Hindi ba bali-balitang sa
narra tree naninirahan ang mga engkanto?
“Mali. Balete tree ‘yun. At hindi ako engkanto.”
Mas lalo ako pinanindigan ng balahibo, n-nababasa mo ang nasa isip ko?!
“ ”
“Manghuhula ako eh. At kung makatingin ka sa puno ng narra at sa’kin,
kahit sino mababasa ang nasa isip mo.
”
Naka-hinga ulit ako ng maluwag, akala ko naman. Pero ano ang ibig mong
“
sabihin kanina na hinding-hindi ibibigay ni Cupid ang lalaking gusto ko?
At ba’t ganyan pala ang attire mo? Hindi ka ba naiinitan?”
Binigyan niya ako ng isang ngiti at para na namang nagsi-taasan ang mga
balahibo sa katawan ko. Kakaiba kasi ang ngiti niya. Para bang
pinapahiwatig niya na marami siyang alam at marami siyang kayang gawin.
“Hindi mapupunta sa’yo ang lalaking gusto mo sa kadahilanang sa iba
iginuhit ni Kupido ang tadhana niya.
”
“Huh? At paano mo naman nasabi at nalaman ‘yan aber?”
Lahat ng bagay alam ko, Jillian.
“ ”
Natigilan ulit ako at napa-titig sa mukha nung babaeng naka-belo at may
nakakalokong ngiti. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!
“Sabi ko sa’yo, lahat ng bagay alam ko.”
p ko! Engkanto nga siya!
Now I’m positive! Nababasa niya ang nasa isi
U-uhm. S-sige a-alis na ako.
“ ”
Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay sinubukan kong maglakad palayo sa
kanya. Kaya lang, nakaka-ilang hakbang pa lang ako, bigla niyang
hinawakan ang balikat ko.
Hindi man ikaw ang itinadhana ni Cupid para kay Luke, may paraan pa rin
“
naman para maging kayo. 'Yun ay kung magagawa mong nakawin ang pana
niya.
”
Nilingon ko yung babae, hehehe, nang gu-good time ka na lang miss eh!
“
Kailangan ko nang umuwi kaya alis na ako ha?
”
“Hindi ka naniniwala sa’kin?”
Bigla akong napa-tingin ng diretso sa mga mata niya. Masyadong malalim
ito. Masyadong nakaka-lula. Parang bigla akong nawala sa sarili. Ilang
segundo akong natigilan na para bang hindi ko alam ang nangyayari sa
paligid ko.
“Naniniwala ako sa’yo. Ano ba ang dapat kong gawin para manakaw ko ang
pana ni Cupid?
”
Bigla ulit akong natigilan. Ano ba ang sinasabi ko? Ba’t sinabi kong
naniniwala ako sa kanya? Eh hindi naman kapani-paniwala mga pinagsasasabi
niya eh! At sinong tanga ang maniniwala sa pinagsasasabi ng babaeng ‘to?
Pero bakit may nakikipagtalo sa isipan ko at pilit itinatatak sa utak ko
na totoo ang sinasabi niya? Bakit parang may nakikipagtalo sa kaloob-
looban ko?
Hini-hypnotize niya ba 'ko?!
May inabot siya sa aking isang kwintas na may malaking bilog na pendant
at isang maliit na bote na may liquid na kulay pula sa loob. Tinignan ko
maigi ‘yung pendant ng kwintas at doon ko lang napagtanto na isa itong
gold compass.
“Ang compass na ‘yan ang magtuturo sa’yo kung saan mo matatagpuan ang
kinalulugaran ng pana ni Cupid. Siguraduhin mong palagi mong suot ‘yan
dahil mag-
sisilbi rin ‘yang proteksyon sa’yo para hindi ka mapansin at
makita ni Cupid. Pag nakuha mo na ang pana, ibuhos mo dito ang potion na
nasa bote atsaka mo gamitin para panain si Luke.
”
Tinignan ko ang mga kagamitan na ibinigay niya sa akin atsaka ko siya
tinignan ng diretso sa mata, mamahalin na ba ako ni Luke pag nagawa ko
“
‘to?”
“Oo. Magiging sa’yo na ang lalaking ‘yon. Pero may kapalit ang pag tulong
ko sa’yo Jillian.”
A-ano?
“ ”
Simple lang naman. Pagkatapos mong gamitin ang pana ni Cupid, kailangan
“
mong ibigay ito sa akin.
”
Yun lang naman pala! Simpleng-simple.
“ ”
Good. Tuparin mo ang pangako mo. Goodluck.
“ ”
Bago pa ako makasagot, bigla-bigla na lang nawala ang babaeng naka-itim
na belo sa harapan ko. Habang ako, napanganga na lang at hindi
makapaniwala sa mga nangyari at nasabi ko.
Description:Pero kung sakali kung sakali lang naman na may natitirang love sa puso niya Arrggh! Kailangan ko yung babaeng naka-itim! Kailangan naming solusyonan ito! May collaboration story kami na sinusulat ngayon ni Aril_Daine! (Author ng Sadist Lover, Fake Lovers, Hello Neighbor, etc) Nakapost.